Jessy Mendiola, sinagot ang mga netizens na nanghuhusga sa kanya na siya raw ay mataray, suplada at maldita


Kamakailan lang ng mag viral sa socila media ang mga netizens na nagsasabing maldita, suplada, isnabera si Jessy Mediola.

Sa latest vlog entry ng girlfriend ni Luis Manzano, may pa-challenge ang dalaga kung saan binasa niya ang comments ng kanyang followers sa tanong kung ang pagkakakilala at first impression ng mga ito sa kanya.


At ilan nga sa kumento ng mga netizens ay mukha siyang mataray, unapproachable at maldita dahil na rin sa kanyang mestiza at suplada look. Inamin naman ng aktres na marami ang nagsasabi na parang ang taray-taray niya at mahirap lapitan.


“Yes yun yung laging assumption sa akin, na mataray ako. Siguro dahil iniisip nila na mataray ako, suplada ako, baka hindi nila ako gustong lapitan but seriously, if you want to approach me, to talk to me, I’d be more than glad to talk to you,” paliwanang ni Jessy.


Ayon pa skay Jessy, mahiyain daw talaga siya at ngayon lang siya nagiging komportable sa pakikisalamuha sa ibang tao. Naging makulit at pala-joke na rin siya mula nang simulan niya ang kanyang vlog siya. Naging palatawa na rin siya nang maging boyfriend niya si Luis

“Nahawa ako sa kakulitan niya. Nakakahawa pala ang kulit. Napansin ko, most of nakikita ko ngayon palaging mataray, suplada, masungit, hindi lang din talaga ako masyadong machika pag hindi ko kakilala and siguro yung face ko rin kasi pag wala akong kakilala hindi naman ako nagsa-smile palagi,” aniya pa ni Jessy.


“I try my best but if you really think that I’m suplada please approach me and find out,” aniya pa.
Sinagot din niya ang comment ng isang netizen na, “At first I hate you because of an issue. But as I follow you on IG, I love how you love yourself.”

“Thank you, I think that’s my main goal. Gusto ko mapakita sa tao na even if I’m judged and even if maraming may ayaw sa akin it doesn’t mean na dapat hindi mo mahalin ang sarili mo,” tugon ni Jessy.


“Ang importante mahal mo ang sarili mo, mahal ka ng mga tao sa paligid mo and ni Lord,” diin pa niya.

Buong-ningning namang sinabi ng dalaga na totoong maarte siya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang sarili, “Siguro maarte ako pagdating sa self care, kunwari yung skin.

“Dati wala akong kapake-pake pero ganu’n pala ‘yon as you grow older mas mari-realize mo na important na mag-moisturize ka every night. Pwede naman maging maarte, hindi naman masama maging maarte, siguro depende kung gaano kaarte,” hirit pa niya.



Loading...

Comments