Isang pinay binash dahil sa reaksyon niyang diring-diri sa balut habang kinukuhanan siya ng bf niyang foreigner


Kamakailan lang ng may mag-post sa social media ng isang video na kung saan, makikitang may isang pinay na inaya siya ng kanyang karelasyong kano na kumain ng balut.

Ngunit makikita sa video ang kanyang reaksyon, na talaga namang naging usap-usapan ng netizens dahil sa kaartehan nito.


Umulan ng samut-saring kumento ang video dahil sa tila nakakainis daw na babae, dahil halos lahat ng pinay ay kumakain naman ng balut at talagang ang balut ay isa sa pinagmamalaki nating pagkain.


Ayos lang naman daw na hindi kumain ng balut, wag na lang daw sana mag-react ng ganun dahil lalo pa't wala naman daw sa itsura ni ate ang laki sa yaman.


At agad itong nag-viral sa social media dahil parang umaarte lang daw ang babae dahil sanay na sanay naman daw itong maglagay ng suka.

Narito ang video!

Comments