'Hipon’ Herlene, pina-iyak ni Kuya Will sa studio



Manila Philippines – Sa buhay minsan sa panahon na akala mo walang-wala ka na at sa labis na pagsusumikap mo sa buhay pero tila parang kahit anong gawin mo ay hirap ka pa rin sa buhay at hindi ka umaasenso kahit araw-araw kang kumakayod parang ang sarap na lang sumuko, dahil nakakawalang gana na. Mapapa-isip ka na lang kung bakit sa dami-raming mga mayayaman sa mundo pero bakit ikaw na araw-araw kumakayod pero di pa rin umaasenso.



Kaya naman ang iba nating mga kababayan ay kapit patalim at nagtatrabaho na lang sa abroad para lang makaahon sa hirap na kahit ba iwan nila ang kanilang mga mahal sa buhay ay gagawin at titiisin nila para lang makaahon sa hirap mapag-aral ang mga anak.

Pero minsan sa buhay 'yong hindi mo inaakala ay bigla na lang tatamaan ka ng isang blessings na hindi mo naman pinangarap pero bigla na lang dumating nang biglaan. Tulad na lang ni 'Hipon' o Herlene na minsan ng naging contestant at biglang nabigyan ng pagkakataong maging co-host ni Kuya Will sa Wowowin dahil sa kanyang taglay na personality na nakakaaliw at nakakatuwa kaya naman minahal siya ng mga viewers dahil talaga naman napapasaya niya ang mga ito.



Napa-iyak at naging emosyonal si Hipon sa mga blessings at sa pagiging co-host ni Willie sa Wowowin na talaga namang enjoy na enjoy niya ang pagiging host. Laking pasasalamat ni
Hipon sa mga tulong ni Kuya Will at hindi niya naiwasang mapaluha sa set mismo ng Wowowin.

Loading...

Comments