Derek Ramsay, umalma sa akusasyong malupit siya sa kasambahay


Kamakailan lang ng umalma ang Kapuso leading man na si Derek Ramsay ang mga malilisyoso at negatibong komento sa kanya ng ilang bashers na walang ginawa kundi laitin siya sa social media.

Talagang sinasagot ng aktor ang mga comments ng kanyang haters lalo na kung alam niyang puro kasinungalingan ang mga ito at gusto lang makapanira ng kapwa.


Isang Instagram follower niya na may handle name na @whatwomenwant000 ang tumawag sa kanya ng laos sa isang post niya sa Instagram.


“LAOS ka na kasi derek. Tanggapin mo na lang kasi wala ka mapupuntahan kundi sa GMA 7. Mic drop,” ang pang-ookray nito kay Derek na mapapanood na nga very soon sa upcoming Kapuso series na The Better Woman.

Ito naman ang resbak ng binata sa kanyang basher!

 “Hahahaha! See ya around the village dear. Love yourself first. So you know what you deserve.”


Pero hindi pa rin tumigil ang netizen at muling inakusahan ng kung anu-ano ang hunk actor, “Sobrang mahal na nga niya ang sarili niya kaya walang maibibigay sa iba.

“People, don’t get deceived by his looks and pa-good person effect. His neighbors can even hear him shout cursing people in his house,” sabi pa ng basher.

Agad-agad ding sumagot si Derek!

 “Cursing people in my house??? You have to be very careful of what you are saying.”

 “I think I have an idea who you are! Look you can say whatever you want but posting my address is just wrong."

“I dare you to talk to my help here at home and ask them how I am,” 

“She can say whatever she wants about me being a womanizer but cursing my help in the house is going too far. I love my helpers like family,” 





Loading...

Comments