Bea Alonzo at John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan

Photo from: ABS CBN
Biglang nabuhay ang dugo ng mga tagahanga nina Basha at Popoy sa biglang paglabas ng mga photo na magkasama ang mga idolo nila. Kuha sa Palawan ang mga photo na ‘yon, na may mga kasamang ibang tao.

Makikita rin ang mga photo na ‘yon sa Facebook page ng Balitang Palawan. Nagpasalamat din sila kay Bea dahil sa ipinost, ishinare nga raw nito ang Balitang Palawan Facebook page, na malaking tulong sa kanila.

Photo from: ABS CBN
“Thank you idol Bea Alonzo for sha-ring Balitang Palawan page. God bless sa comeback niyo ni John Llyod Cruz. #PopoyAndBasha #BeaAlonzo #BalitangPalawan,” ang caption sa photo na ‘yon nina Bea at John Lloyd.

Photo from: ABS CBN
Sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pagsasama nina Bea at John Lloyd. Bukod kasi sa mga photo na magkatabi sila at may kasamang mga fan, makikita rin ang mga sunod-sunod na photo na magkaharap sila, na tipong nagdi-dinner, o nagla-lunch date.

Photo from: ABS CBN
May kinalaman kaya ang ini-endorso ni John Lloyd na Turks na kung saan ay una ngang nag-post din si Bea ng photo na ‘yon ni John Lloyd na kumakain?

Sa ngayon ay puro sana ang puwede nating sabihin, na sana nga ay may napag-usapan pang ibang project ang da-lawa, na sana nga ay mabuhay muli ang interest ni Lloydie sa paggawa ng pelikula, na sana nga ay mapagbigyan talaga nila ang hiling ng mga fan nila.

Comments