Anak ni Alma Concepcion, natanggap sa prestihiyosong unibersidad sa Amerika





Natanggap ang anak ni Alma Concepcion na si Cobie Puno sa isang prestihiyosong unibersidad sa Amerika at ito ang "Fordham University".

Ang paaralan mismo na ito ay isa sa mga sikat na unibersidad na pinagaralan ng isang sikat na hollywood actor sa America na si Denzel Washington.

Masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang anak sa pagkakatanggap nito.






Ilang netizens ay masayang nagkumento sa aktres:







Ayun sa post ni Alma Concepcion sa kanyang IG account ay nakatanggap si Cobie sa kanyang application sa 'Gabelli School of Business' sa Rose Hill para sa 2019 Fall semester. At ito naman ay aprubado na ng kanilang 'Committee on Admission.' At bilang isang ina, hindi maipapaliwanang ang sobrang saya na nadarama niya sa pagiging masipag ng kanyang anak upang makapasok sa naturang paaralan.


Si Alma Concepcion ay isang sikat na aktres na sumikat sa mga 90's movies, madrama man o aksyon.
Unang siyang nakilala sa kanyang paglahok sa beauty pageant na Miss International na ginanap sa Japan noong 1994.

Comments