Ai-Ai Delas Alas hindi napigilang patamaan sa post ang mga taong pinagkatiwalaan siya ngunit niloko ito


Sa post ni Ai-Ai Delas Alas sa kanyang IG, halatang may hinanakit ito sa mga taong pinagkatiwalaan at tinulungan niya, dahil hindi naman ito magpu-post ng ganyang kahabang mensahe para mabasa ng mga netizens kung hindi siya apektado sa mga nangyayari.

Pero nanatiling positive pa rin si Ai-Ai dahil masnaka-focus siya sa mga magagandang bagay na ibinigay sa kanya ni God kaysa sa mga masalimuot na pangyayari dulot ng lubos niyang pagtitiwala at pagiging mabait. Narito  ang kanyang post sa kanyang IG:

Good morning everyone 😊
#hugotmonday ,, eto mga natutunan ko sa buhay ko sa pag daloy ng panahon , TRUST GOD, wag mawalan ng pag asa , ang buhay ay pana panahon , etc etc ... sa buhay ko ang pangarap ko dati maging flight attendant pero d natupad .. ngayun nasa showbusiness ako iniingatan ko ang bigay ng DYOS sa akin na trabaho or career kasi naniniwala ako na lahat ng bagay bigay ng DYOS.. ( pag d mo iningatan sayang at baka bawiin nya )sobra ako nag sisipag Para sa pamilya ko , mga anak , magulang, para sa future namin ni gerald at magiging anak namin .. simple lang naman ang pangarap ko buong pamilya at mag karon ng food chain kagaya ng jollibee hahaha 😂.. pero minsan hindi naten ma control ang nangyayre sa buhay naten na mag tataka ka bakit nangyayare .. siguro may gustong ituro ang tadhana sa akin . At siguro para itama ang mga mali ko sa susunod na ma encounter ko ulit ito .. minsan d ko din alam bakit niloloko ako ng mga tao sa paligid ko ... sabi ng mga totoo kong kaibigan at asawa mabait ka kasi masyado .. ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait?? Dba pag mabait ka matutuwa si LORD SAYO ?? .. anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si lord na bahala sa inyo .. basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw .. at madami blessing sa buhay ko .. mababait at magagandang anak , magaling na nanay ko , napakabait at mabuti ng asawa ko , mga totoong kaibigang maasahan .. at si LORD AT MAMA MARY na nakikinig parate sa aking mga dasal .. GOD BLESS EVERYONE .. 💚❤️💚❤️
#magingmabaitsalahatngpanahon #wagbibitawsamundokahitmadamingdemonyo #itneverrainsforever #superpinaghirapankoangperako
Ai-Ai Delas Alas IG

Ai-Ai Delas Alas IG

Comments