69-taon na lolo na may mga anak na may-kaya viral ngayon dahil 24hrs nagbebenta ng gulay sa Pulilan, Bulacan


Manila Philippines – Viral ngayon a ng isang matanda na edad 69 na kahit matanda na ay 24hrs pa rin nagbebenta ng gulay para makaraos sa pang-araw-araw na gastusin. Isa lamang itong patunay na kayang mabuhay ng marangal kung gugustuhin dahil ang iba riyan ay kahit malalakas pa ang katawan ay gumagawa pa ng hindi dapat gawin para lang kumita at yong iba naman ay dinadaan sa palimos kahit masmataba pa sila kaysa sa hinihingian nila.

Isang post galing sa page sa Facebook na "Bulacan Eats" ang viral ngayon dahil sa post nila at ito ang kuwento:


Maraming Salamat daw po sa mga bumili kanina kasi natutuwa si Tatay at madami na daw benta nya, kaya sa inyo ako eh! Iba kayo! Grabe! Madami daw nagpuntahan at nagbilihan sa kanya kanina, tapos eto, may good news at bad news ako sa inyo.
Good news: Yung sinasabi nyo sa comments na asawa ni Tatay ay buhay pa, yehey!!! 🙏🙏🙏 Iniwan lang daw muna nya sa Mcdo.

Bad news: Nakikita nyo ba yung tricycle na yan, jan lang pala sila nakatira dahil nawalan daw sila ng bahay sabi ni Tatay, pag matutulog daw ay sa lapag si Nanay, si Tatay ay sa 2nd floor, may 2nd floor daw yan, bida ni Tatay.

Ang name ni Tatay ay Octavio Padre Juan, 69 years old na sya.
Sa mga gusto pa bumili, sa mga naghahanap sa kanila ng maaga, 24 hrs daw sila nagtitinda, sa umaga nasa Mcdo or Jollibee Pulilan Crossing sila(kudos to these Big 2! Dito daw sila kasi may pang disabled na CR, dahil si Nanay ay nakawheel chair na, di na sya nakakatayo), pag gabi ay pumupwesto si Tatay dito sa Robinsons, pag pinatay na ilaw at ubos na tinda nya ay babalik na sila ulit sa Jollibee o Mcdo at don naman ppwesto kung may natitita pa, don na din sila ppwesto matulog sa mobile home nila, minsan daw ay sa terminal area ng Robinsons lalo pag umuulan dahil may bubong don.

Ngayon para sa mga malalayo na gusto tumulong, kinausap ko si Tatay na baka pwede magkaroon sya ng account para direkta nyo na maibigay sa kanya. Iaupdate ko kaya about jan ah.
May isa pa palang good news! Sa mga mamamakyaw jan, hindi na kayo mapupurga sa okra dahil may talong, kalabasa at sibuyas pa ngayon si Tatay. 🤤🤤🤤
Bili na kayo ah. Gulay gulay muna tayo pag may time.
Update ko po kayo ulit pag magawi ako ulit ah.
Again maraming maraming salamat po sa inyo! Napakabubuti po ng puso nyo! Si Lord na po bahala sa inyo 🤗🤗



Narito naman ang ibang impormasyon na aming nabasa mula sa netizens:



 Goodpm po. Mga kuya at ate. Hmm madalas kodin po sila nakikita. Actly kababaryo kopo sila. Then bihira nadin po sila umuwi dito. Meron po silang mga anak na may business na. Ang hindi kopo alam kung bakit dipo sila tinutulungan. Ang gara lang po kasi. Naawa lang din po talaga ko sa kanila. May mga anak naman po sila na pwedeng tumulong sa kanila.


Sila tatay po ata ang nag desisyon na mabuhay ng sarili nila... Gusto man daw niyang iwan sa mga anak nila si nanay e hindi daw kayang alagaan si nanay ng mga anak kasi si tatay lang daw ang laging hinahanap ni nanay... Si tatay lang daw ang may kakayanan na alagaan si nanay kaya sinasama niya... Ultimo oras ng pag ihi at pagdumi kabisado ni tatay minsan daw kasi ayaw ni nanay na nka diaper umiiyak kaya inaagapan na lang ni tatay pra maki c.r sa jollibee...
Loading...

Comments