Throwback: Toni Gonzaga kumain ng buhay na hipon sa Eat Bulaga umani ng iba't-ibang reaksyon ng netizens

Photos from: Pinoy-Pop Coolture
Kamakailan lang ng i-post ang throwback video ni Toni Gonzaga na kung saan makikita na kumain siya ng buhay na hipon sa isang segment sa Eat Bulaga.

Photo from: Pinoy-Pop Coolture
Ang video na ito ay kuha noong 2002 pa raw na isa sa segment sa Eat Bulaga, na kung saan si Wally Bayola naman ay kumain ng itlog na hilaw.

Makikita ang reaksyon ni Toni Gonzaga na tila nandidiri dahil buhay nga naman na hipon ang natapat na kanyang kakainin.

Photo from: Pinoy-Pop Coolture
Umani ito ng iba't ibang reaksyon, na mayroon pang pabiro ang isang netizen na ang sabi ay kaya raw pala umalis si Toni Gonzaga sa GMA.

Marami rin ang natuwa at na-cute-tan sa itsura ni Toni dito dahil tila mayroon daw kamukha si Toni na isang sikat na actress sa Korea.

Photo from: Pinoy-Pop Coolture

Panoorin ang video!

<

Narito naman ang ilan sa kumento ng netizens! 

"Kaya pala siya lumipat ng ABS CBN si Toni Gonzaga"

"Buti nlng toni lumipat ka sa ABSCBN... Duon ginawa ka nilang star tlga... Dito ginawa kang pang perya 😭" 

"Itong grupo nato nang eat bulaga ang pinaka the best para sa akin.." "Grabe pahirap ginawa nila kay toni im glad na umalis na siya sa eat bulaga" 

"Jan po siya sumikat sa pagkain ng hilaw na hipon,, binansagan sya na swahe queen taz pinirata ng abs"

"Challenge lang yan, tsaka kinakain naman talaga yan kahit lumalangoy pa hahaha! OA nio!"

Comments