Show nila Regine puno raw ng kaplastikan, dati palang champion sa GMA ang isang kalahok

  • Idol Philippines scripted daw ayon sa isang kilalang website
  • Mga back stories ng mga ilang kalahok paawa raw sa madla
  • Kier King kilala raw pala ni Regine at dating GMA artist



Ayon sa reliable source at kilalang news site platform sa Pinas ay puno raw ng kaplastikan itong 'Idol Philippines' at part parte lamang ng pag-hype ng “Idol Philippines” ang mga pinapakitang drama ng ilan sa kalahok na merong “sob stories” o “paawa sa madla.”

ABS-CBN's Idol Philippines

ABS-CBN's Idol Philippines
Mapapansin at makikita raw ang kaplastikan sa naging audition ni Kier King, na dati palang Ralf King noong una itong ma-interview ng aming source after nitong maging champion sa “Popstar Kids” sa QTV. Ang QTV ay sister company o station ng GMA-7. At balita ngang nito lang taon ay kabilang pa ito sa grupong One Up ng GMA-7 na napapanood sa “Studio 7” at ibang GMA shows.

Kaya naman nadismaya ang aming source sa naging drama niya sa kanyang audition sa "Idol Philippines"na wala raw nangyari sa pagsali-sali sa mga kontes na kanyang sinalihan sa loob ng 12 years. Ayon sa source ay isa raw itong kaeklayan dahil sobrang luma na raw kasi ng kanyang mga kadramahan sa kuwento niyang nag­lalatag sila ng karton sa sahig para lang mauna sa mga audition.
Loading...
Kier King Instagram

Kier King Instagram
Dahil ayon sa aming source ay hindi puweding walang nangyari dahil the fact na nag-champion na siya at lumalabas na sa mga TV shows, para daw masyado nang paawa ang kuwento niya.

Dagdag pa ng aming source good looking talaga siya at maganda ang boses pero sana raw masnaging okey sana kung nagpapakatotoo na lang base sa recent development ng buhay niya, hindi ‘yung galing sa sobrang distant past na nagamit na niya sa ibang shows.

Kier King Instagram

Sabi pa ng source ay sakay nang sakay naman daw itong "Idol Philippines" para lang makahatak ng viewers na gusto lang nila palutangin 'yung mga anggulo ng back stories.

Dagdag pa ng source "shall we need to mention other “ar­tists” na produkto na rin ng ibang kontes at ngayo’y tila gusto nilang palabasing “first timers?”"

Kaya nga bibiliban mo ‘yung arte ni Regine Velasquez-Alcasid na parang hindi niya kilala o nakita man lang itong dating GMA-7 artist. Well, ask niyo na lang sina Vice Ganda, Moira at James Reid. Sabi ng aming source.



Comments