Regine vs Moira: Nagkapikunan nga ba bilang hurado ng Idol PH?


Loading...


Ang tensyon na naganap sa dalawang judges ng Idol Philippines na sina Moira dela Torre at Regine Velasquez ay naging hot topic sa socila media kahapon, dahil kadahalinang hindi sila nagka-intindihan ng pananaw sa isang kalahok na katunog ng boses at kapareho ng style ni Moira.

Regine Alcasid IG


After kase magpakita ng talent sa singing ang isang contestant, nag-comment ang Asia's Songbird at sinabing marami na raw kasi ang katunog at style ni Moira sa pagkakanta kaya siguro gusto lang makita ni Regine 'yung totoong natural na pagkanta ng isang singer hindi yung iniiba nila ang style nila dahil daw sa industry may Moira na at Yeng pa, kaya ang hinahanap daw niya ay yung ibang singing style.

Moira IG


“I liked the song, I liked how you performed it, I like your voice,”
“My problem is, ‘you guys have the same sound’ to me I know it’s current but you sound the same and the thing is, I know you’re making the sound, it’s not something you’re born with. You make the sound. It’s the tone that you make,” sabi ni Regine.

Loading...

Pero pagkontra ni Moira sa Songbird, “I understand, ‘yung pinanggagalingan ni Mama Reg, (Regine) na ‘yung generation natin, ang daming ganito ang sound.”
Dagdag pa ni Moira, “But also Mama Reg, gusto kong i-defend si Leann (Idol aspirant) because for me ang dami ko na din nasulat na kanta, ‘yung mga kanta ko pare-pareho ang tunog until I brought it to the studio and i-arrange na.”

Depensa naman ng Songbird, “No, no I’m not talking about the genre, it’s the voice.”
hindi ata na-gets ni Moira ang sinabi ni Regine dahil ang tinutukoy ni Regine ay yung boses ng kalahok ay yung boses niya ay iniiba na para nasa category ni Moira since may Moira na nga sa industry.

Pagkatapos naman mag-defense ni Regine ay biglang tumayo si Moira at sinabing, “Uwi na po ako.” Kanya-kanya naman ng reaksyon ang mga netizens sa social media sa tila pagkakapikunan ng dalawang Idol Philippines judges.

Ngunit ilang sandali ang lumipas, nagbiro na lang si Regine sa naging mainit na pagtatalo nila ni Moira sa Idol Philippines. At nagawa pa niyang mag-tweet ng pabiro na my tears with joy emoji, tweet ng Songbird, “It’s the same sound!!!!! @moirarachelle4 @idolphilippines.” Na sinagot naman ni Moira ng, “Tama na poooo! Hahahahaha! Llove u mama Regggg!”

Ibig sabihin lang nito, hindi nagkapersonalan ang dalawang hurado ng IP, trabaho lang!



Loading...

Comments