Reaksyon ni Madam Kilay kay Kren Austria, tumaas talaga ang kilay, daming naka-relate na netizens


Loading...


Ibinahagi ni Madam Kilay ang kanyang video reactions sa pinaka nag-trending na topic ngayong this week na kung saan ang dalawang malditang anak ay pinagtulungan ang kanilang ina. Ang topic niyang ito ay tungkol sa pinakapinag-usapan na sumbong ng isang ina sa palabas ni Raffy Tulfo na talaga namang milyun-milyon ang nanood.

Gamit ang Facebook, ibinahagi ni Madam Kilay ang bidyo at kanyang ipinakita ang kanyang saloobin kay Kren Austria na kung saan biglaang naging sikat sa negatibong kasikatan dahil sa ginawa niya sa kanyang ina na ito rin ang dahilan kung bakit marami ang galit sa kanya.

Habang pinapanood ni Madam Kilay ang pangyayari na kung saan sa scene na sobrang rude ni Kren sa kanyang ina nagbigay payo naman itong si Madam habang kinuha rin niya ang kanyang sapatos na gigil na gigil at sa mga reactions ni Madam although nakaka-inis ang nangyayari 'di mo maiwasang matawa kay madam at maka-relate sa kanyang mga pinagsasabi at kanyang kinikilos habang pinapanood ang bidyo.
Loading...


Sa huling part ng bidyo, nagbigay ng opinyon si Madam Kilay at hindi niya talagang maiwasang tumaas ang kilay kay Kren Austria at may mga words siyang nabanggit para mapukaw ang mga kabataan ngayon para masmahalin nila ang kanilang ina. Hindi pinalampas ni Madam Kilay na magbigay payo rin sa mga anak diyan na mayron pang ina. Panoorin ang reaction bidyo ni Madam.



Loading...

Comments