PBA ‘Spider-Man’ nagpa-pizza sa mga preso, mga netizens nag react


Hindi inakala ng mga nakasama ni "PBA Spider-Man" sa kulungan sa Quezon City Police District Station 7 nang bumalik si Paolo Felizarta, ang naka-Spider-Man costume na umeksena sa PBA, para dalawin ang kanyang mga naging kakosa.

Isang Facebook page (Kulatoy page) ang nag-post na bidyo kung saan  ipinakita ni Felizarta ang ilang box ng pizza, na kanya umanong ibibigay sa mga inmate ng nasabing police station.

Paolo Felizarta

Bilang pasasalamat ni Paolo Felizarta sa magandang pakikitungo sa kanya ng mga nakapiit sa QCPD-Station ay pinakain niya ito ng pizza. Bumisita si Felizarta sa kulungan at suot pa rin ang Spider-Man costume. Hindi maitatangging tuwang-tuwa si Spider-Man boy nang makita niya ang kanyang mga nakasama. Sobrang saya naman na parang nakakita ng superhero ang kanyang mga nakasama nang makitang naka-costume si Spider-Man boy.

“Alam niyo naman nakulong ako. Babalikan lang natin ‘yung inmates ko dun siyempre kasi dadalhan natin sila nang pizza,” saad ni Felizarta.
Ilang linggo pa lang ang naka­kalipas nang mangyari ang pag-entra ni Felizarta sa PBA, nabangga pa si June Mar Fajardo sa Game 5 ng finals series sa pagitan ng Magnolia at San Miguel. Sinuntok din ni SMB veteran Ronald Tubid si Felizarta at dahil dito ay pinagmulta ng PBA si Tubid ng P75,000 at 3-game suspension.

Dahil sa insidente, naging ins­tant celebrity si Felizarta kahit na nakulong ito ng ilang araw sa panggugulo sa PBA championship game. (Ray Mark Patriarca)


Narito naman ang reactions ng mga netizens:
Bat andami ditong kontra sa kanya? Mas nakikita nyo pren ba yung maling nagawa nya? Mas pinipili nyo pang punahin ang mantsa sa puting damit at hindi bigyang halaga kung gaano ito kaputi. Just saying. Spread the love 💕
 A very good one. Pero sana huwag ganung way na mangugulo ng game. Like for instance, tao rin si Junemar paano kung na mejo masama ang tama o collision nila at na injure siya, it will cost million for the franchise.
Kung gusto mo talaga ng love and peace sa humanity, halika ka pre alam mo naman bahay namin eh sama ka sa advocacy namin.
Pero yung way kasi parang papansin na o scripted at di mo maalis sa tao yun lalo na kung kilala ka nila.
Di naman porket pumasok sya sa court at ng gulo hehehe masamang tao na sya, may mga nkaupo sa gobyerno ang babait eh, saludo ako sayo boi kasi marunong ka bumawi sa mga ka kosa
Dami utak talangka aa.aha Nagkasala ang tao, oo. Pero alam n dn nman nya yon. Nakulong na nga ee. Ngayon gusto lg magpasaya ng mga nakasama nya sa loob, issue na agad? Yung iba nga nagbudots lg naging senator pa bat di kayo nagrally?aha


Comments