Paalam sa Huawei users, tinanggalan na ng access sa Google at Android.





Isa sa mga sikat na phone brands ang nagbigay pansin sa kanyang nakaka-akit na features nito, hindi lng sa camera, kundi pati na sa specs, sa storage at sa software nito na halos malapit na nacompete ng ibang sikat na companies like samsung o apple at ito ay ang Huawei.

Noon nakaraang araw, nag anunsyo ang Presidente ng Amerika na si Presidente Donald Trump na ibaban ang ibang telecom companies na nagbigay ng violations o risks sa kanilang security at critical infrastructure at economy. Isa sa mga na-ilista sa ban ay ang Huawei at ZTE.

Ang utos na ito ay ipinasasagawa na ng Commerce Department at binigyan ng 150 na araw para sundin lahat ng utos sa Presidente.

Halos lahat ng mga Huawei users ay nabahala na sa Google at Android ban dahil madami na ang gumagamit sa nasabing brand na ito. Lalo na nag lumabas ang kanila flagship na Huawei P30 na halos lahat ng Huawei fans ay bumili sa kagandahan ng features nito.



photo credit: theverge


Sabi sa report, ang mga Huawei users ay makaka-access parin ng Google Play at Google Protect kung ang Huawei mismo ay gumawa ng kanilang program para nito. Pero yung iba pang mga serbisyo gaya ng Gmail, YouTube, Google Drive, Maps ay kailangan nang humanap ng ibang alternatibo para nito.


Sa pagkakawala ng Android ng Huawei, ay mawawalan na din ito ng Operating System updates sa iba't-bang huawei devices nito na sadyang ikinabahala ng mga users.





Nagbigay ng statement ang Huawei sa sinasabing aligasyon at ang sagot nito para sa mga nababahalang Huawei users na huwag mabahala sa darating na panibago sa operating system nila dahil patuloy pa rin daw itong gagana at mero na silang bagong systema na pinagkakaabalahan para mapatuloy ang pag-gana sa mga apps at programs sa nasabing phones.

Comments