Naaalala niyo pa ba si Lolo Rudy Francisco ng sikat na TVC ng McDo? Pumanaw na siya


Loading...

Sino ba naman ang hindi nakakaala-ala kay Lolo Rudy Francisco na sikat na sikat noon dahil sa Mc Donald's ad na siya rin kasama ni Karen Delos Reyes.

Kinumpirma mismo ito ni Karen Delos Reyes sa kanyang instagram post, maging ang mga 'batang 90's' na kilalang kilala si lolo Rudy Francisco ay sobrang nalulungkot din sa pagpanaw ni lolo.

Karen Delos Reyes IG

Karen Delos Reyes IG

Loading...


Maging si Karen delos Reyes ay sobrang nalungkot sa balitang ito at kanya itong Kinumpirma sa kanyang IG post na may caption na:
Sad day today 🙁
Rest in Peace Lolo Rudy Francisco.
My deepest condolences to you and your family @rsfrancisco888
Sa kanyang instagram post, binahagi muli ni Karen ang popular nilang TVC with Lolo Rudy Francisco. Ito yung commercial kung saan si Lolo na may dementia ay palaging binabanggit si Gina kaya naman nagseselos si Karen kahit na si Lolo ang kasama niya si Gina pa rin ang madalas binabanggit. Pero nang makita ni Karen na hinahati ni lolo ang isang burger at binalot ulit ito ng wrapper ng burger napatitig si Karen kung bakit niya hinati yung burger sabay sabi ni lolo na; Ito para sa pinakamamahal kong apo si Karen.

Karen Delos Reyes IG

Halos lahat ng nakapanood ng TVC na ito ay naantig ang puso kaya sobrang sikat na sikat itong TVC na ito noon at madalas sinasabayan ito ng mga bata habang nanonood na TV.

Mabilis na tumatak ito sa mga puso ng Pinoy noong 90's dahil sa nakakaantig nitong konsepto kaya naman ngayong pumanaw na si lolo Rudy ay nakaramdam din sila ng kalungkutan.

Narito ang TV ad na binahagi rin mismo ni Karen.


Loading...

Comments