Mga mahihilig sa pampalamig ngayong summer hinay-hinay lang dahil sa kumakalat na larawan na ito


Loading...


Sino ba naman ang hindi mahihilig sa mga pampalamig ngayong summer, sa sobrang init naman kase ngayon ay halos lahat nauuhaw sa mga malalamig na mga pagkain at inumin, isa na riyan ang pinagmamalaki ng mga pinoy ang halo-halo at iba pang nilalagyan ng yelo gaya ng mais con yelo at kung anu-ano pa.

Photo: CDCC news


Loading...

Ngunit gugustuhin mo pa kaya kung ang makita mo itong kumakalat na larawan sa social media na kung saan ang isang ice block ay may na-frozen na daga? Mukhang hindi ata malinis ang ilang binibilhan ng mga ice block kaya naman payo lang sa mga nagbebenta ng halo-halo at iba pang mga pampalamig ay sana kilalanin nila ang mga pinagbibilhan nila o di kaya'y sila na lang mismo ang gumawa dahil base sa larawa ay mukhang na-trap o nalunod ata ang daga sa lagayan ng tubig para maging ice.

Photo: CDCC news


Ang kumakalat na larawan ay pinost ng isang FB page na CDCC News at may caption na: May mga dugyot tlgang pagawaan ng ice block. hindi alintana ng mga tao na sa paginom lng ng samalamig o pagkain ng halo-halo ay maoospital p sila. Maging mapanuri sa mga binibili nyong pampalamig sa tabi-tabi.

Photo: CDCC news
Hindi naman pinalagapas ng mga nitizens ang larawan na kumalat at narito ang ilang nilang saloobin:

Madumi Naman talaga ang yelo na nabibili sa kanto. Simula paglabas nang planta hanggang makarating sa mga palengke. Kung saan-saan yan pinapagulong bago dumiretso sa palamig. May nakita nga akong sinasalok ang tubig nang palamig sa butas na tubo.

Alam ko talaga marumi ibang ice block dahil ako mismi nakita ko pano yan i diliver sakay lang ng tryckl tapos tinatadyak tadyakan lang ng tsinelas tapos wala hugas hugas ewww halo2 pa more😂

Hindi naman kasi lahat ng ive block ay pedeng gamitin sa mga beverage o inumin. Karamihan po sa ice block maker dito sa atin gumagawa para sa mga palengke, pang preserve ng mga. Karne, lalo na mga banyebanyerang isda. Kaso nakasanayan na kasi kaya tinatangkilik at nagagamit ng marami sa mga palamig.

Dalawang klase po ang yelo na ginagawa sa ice plant yung isa yung pang consume yung ganyan po ay yung pinanlalagay sa mga paninda or bagay na dapat panatilihing sariwa or malamig yun yung mga yelong kinakaladkad lang sa semento. Pero kahit ganun andugyot nyan unhygienic din.

Loading...

Comments