Mga dating cameraman at engineer ng Kapamilya network may ibinunyag


Loading...

Manila Philippines – Matapos mag-post ni Jimmy Bondoc ang kanyang pananabik sa pagsasara daw ng isang maliking network maraming naging usap-usapan ito ng mga netizen at pati mga celebrities ay nag-react na rin tulad ni Angel Locsin. Ngayon naging usap-usapan nga ito mga dating employees na network ay sinamantala ang pagkakataong ibahagi ang naging mistreatment ng network sa kanila at narito ang kanilang kuwento.

1996- 2010 Cameraman
Magpapasko ng taong 2010 mahigit 100 na empleyado ang tinggal dahil ayaw i regular, mahigit 10 yrs na sa Kumpanya bigla na lang tatanggalin. #KAPAMILYA ba tawag dun,
yung MALASAKIT na binigay mo bale wala, di bale ng mabasa ka sa ulan wag lang ang mga equipment, mag 10 yrs na dipa tapos ang kaso namin #DOJ #DUTERTE #BONGGO #TULFO nakakalungkot nak@matayan na ng iba wala pa rin hustisya mga anak na nagbago ang pangarap dahil wala ng trabaho ang magulang nila, magpapasko nun 2010 nag memesage ang bawat isa samin wala silang handa ng pasko at bagong taon mga anak na malungkot apektado psychologically dahil tinanggal sa trabaho ang Tatay o Nanay nila, walang bagong damit, laruan at sapatos na nakasanayan nila tuwing sasapit ang pasko, masakit sa isang magulang na nakikita nila ang anak nilang malungkot.  Sabi ni Taucer Tyche Benzonan na dating  cameraman ng network
Image courtesy of Facebook: Taucer Tyche Benzonan


Pagbati sa inyong anibersrayo!!!
Engr. Jose "NHOY" Zaballa III
Lighting Director / Electrical Engr
2002-2010 - Illegally dismissed!!!
Naging bahagi ako ng pag unlad nyo.
Let me say a little story...
8 taon ako nag trabaho dito sa network na ito. Maraming mga masasayang alala at may kalungkutan din. Maraming mga naging kaibigan sa trabaho at may mga nakatampuhan din. Minahal ko ang network na ito pero in return di kami pinahalagahan nang kami ay tumindig para labanan mga maling sistema at mga Bulok Nilang pagtrato sa mga manggawawa. Isa ako sa mahigit 100 na iligal na tinapos ang trabaho at pagdating sa korte i ITATWA pa na kami ay mga empleyado nila.
Di po kami nanghihingi sa inyo noon ng labis kundi kilalanin lang at i-regular lang po. Ngayon nga po nanalo na kami sa SUPREME COURT, parang hirap nyo parin naiparamdam samin na kami ay naging Kapamilya nyo.
Kaya ako tumindig di dahil galit kami sa ABS CBN. ANG NILABANAN LANG PO NAMIN DOON ANG MALING SISTEMA AT BULOK NA PAMAMALAKAD.
Salamat po.

Images courtesy of Facebook: Engr Noy Zaballa
Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens:
Eto ang totoong buhay. Mga empleyadong maliit kakarampot na nga sweldo hindi pa ni regular. Sa dami ng artista nila wala na atang maipa-sweldo sa mga maliliit na manggagawa.

Naging intern ako sa abs nung time na nag oojt ako. Dun ko nalaman na karamihan nang empleyado nila ay hindi regular. May mga employee naman naregular pero mas marami ang hindi.

May point si bondoc sa maling kalakaran sa istasyon, isa ito sa halimbawa ng mga nawalan ng trabaho dahil sa hindi tamang patakaran. Ngayo ang point naman bakit kinokondena si bondc ay paano naman yung mga mawawalan ng trabaho dahil gusto lang ipasara at excited pa sya.

Alam nyo naman po na kasama sa pagiging contractual ang posibleng pagdismiss sayo. I feel for these people pero kung yan ang patakaran ng company, wala nman tayo magagawa kundi sumunod o kung posible man ilaban kung may makikitang rason para magreklamo.

Mga artista lang naman ang nagsasabi kasi na itong network na to ang nagpaganda sa buhay nila etc. Syempre sakanila galing ang income eh. Pero ang mga empleyado, hindi nila inaalagaan.


Loading...

Comments