Lalaking pasaway na nagmaneho habang nasa passenger seat, hindi pinalagpas ng DOTr





Naging viral sa social media ang isang lalaki na namamasahero habang ito ay nakaupo sa passanger seat. Ang video na ito ay umabot sa Department of Transportation (DOTr), at ipinatupad ang pagtanggal ng kanyan lisensya habang ipinagmalaki ang maling pagmamaneho sa harap mismo ng isang pasahero.

Ang driver umano ay kinilala na si Miko Lopez.

Sa video, ipinakita ang maling pagmamaneho ng driver, pagyoyosi at nakaupo pa umano ito sa passanger seat habang kinukunan ng video ng isang pasahero habang tinatanong kung bakit niya ito ginagawa.




"Lahat nang bawal ginagawa ko," ayon sa driver na si Miko Lopez habang kinukunan ng video galing sa isang pasahero.



Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mga kasong reckless dri­ving, illegal modification (removing the steering wheel), not wearing seatbelt, at improper person to operate a motor vehi­cle, ang isasampang kaso laban sa lalaki na natukoy sa pangalang Miko Lopez.




Matagal na daw pinatawag si Miko Lopez sa DOTr ngunit hindi it sumipot. 


"His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver's license again in the future,"pahayag ng DOTr sa kanilang Facebook Page.


Bilang isang namamasahero, dapat ito mag-ingat dahil hindi lang buhay ng mismong driver ang nakasalalay dito kundi buhay din ng mga pasahero. Dahil sa panahon ngayon, madami ng na-aaksidenteng mga motor or sasakyan dahil sa paglalabag nito sa batas.


Kaya kung ikaw ay isang pasahero, wag sumakay ng jeep, motor or kahit anong public vehicle na pasaway ang driver mismo.


Panoorin ang video:


Comments