Isang Pinay nagtapos ng summa cum laude sa Bangkok, Thailand


Loading...

"Not everyone has the privilege to get education. If you are fortunate enough, make the most out of it and be thankful,"

Ito ang mga katagang ibinahagi ng ating kababayan na nakapagtapos sa pinakamataas na honor o summa cum laude na si Nicole Louise Nicolas Poblete sa isang paaralan sa kalapit na bansa ang Thailand.

Ang tinapos ni Nicole Louise Nicolas Poblete noong March 19, 2019 ay ang kursong Bachelor of Arts in Mass Communication, Major in Radio and TV Broadcasting sa isang paaralan sa Bangkok na Ramkhamhaeng University (RU) Institute of International Studies sa Bangkok.

Loading...

Photo source: Nicole Louise Nicolas Poblete


Ang dalaga na nakapagtapos sa Thailand ay isa palang tubong Laoag City, Ilocos Norte na naging misyonaryo doon kasama ang kanyang pamilya noong nagsimula silang manirahan sa Thailand. Sa isang pahayag ni Poblete sa isang article ng ABS-CBN News, inamin nitong hindi naging madali ang lahat para sa kanya.

"Nahirapan talaga akong mag-adjust sa culture at language noong una. My friends and the people I've met, sila talaga tumulong sa akin," sabi ng dalaga. 

Ang susi ng kanyang tagumpay at pagtatapos na nakakuha ng pinakamataas na honor ay ang sakripisyo umano ng kanyang mga magulang. Naging worship leader din ang dalaga sa kanilang simbahan ayon sa report. Plano rin ng dalaga na magkaroon ng master's degree.

Photo source: Nicole Louise Nicolas Poblete
The amazing Explore EN Team whom we've had the privilege of working with for over a week now... you guys are AWESOME!!
Photo source: Nicole Louise Nicolas Poblete


Loading...

Comments