Huawei BAN sa Google at Android, May plan B na ba?






Noong ilang araw lang ang nakalipas ay inanunsyo ng Presidente Donald Trump ng Amerika ang pagiging risk daw sa Huawei phones na possible makakasira sa security ng kanillang systema at bansa. Sa sobrang kaakit-akit na performance at sa murang presyo ay hindi pinagdalawang isip na i-Ban ito. Ang resulta ng Ban ay hindi lang nakaapekto sa naturang lugar kundi makakaapekto din sa iba't-ibang bansa.

Ang Shenzhen company ay nakarank bilang pangalawa sa pinakamalaking smartphone sales sa buong mundo, at sa sobrang sikat nito ay usap-usapan na naghahanda na rin daw ito ng bagong OS (operating system) noon pang 2012 kung sakaling may mangyari sa kanila.




Sa isang interview ni Richard Yu, CEO of Huawei's Consumer Business Group noong March 2019 ay may naghanda na daw sila ng ibang alternatibong Operating System, pero mas nagfocus muna sila sa partnership sa Google at Android dahil mas gamit ito sa mga consumers.


Nang dahil sa pagbilisang pagbaBAN ng Huawei ay di nila inakalang magiging mabalis ang kanilang paghahanap ng possibleng solusyon para mapatuloy ng mga users ang pag-gamit ng kanilang smartphones lalo na kakalabas lang ng kanilang flagship na Huawei P30.




Ayon sa eksperto, mahihirapan ang Huawei na ikombensi ang mga tao na ipagpatuloy ang pag-gamit ng kanilang mobilephones dahil mahirap i-compete ang Google at Android at sa dami din nitong access sa iba't-ibang apps at mas reliable umano kung ikumpara sa ibang Operating System, lalo't-lalo na bago pa lang ipapalabas ito kung sakaling matapos.


Ginawan na ng paraan ng Shenzhen company para di maapektuhan ang kanilang consmers at mawalan ng sales pero sa bilis ng pangyayari ay hindi natin alam kung hanggang kelan mapapalabas ang bagong Operating System nila dahil gaya ng Nokia, Blackberry at Microsoft, hindi ito nagtagal at pumunta rin ito sa Google.

Comments