Edward Barber, nasungkit na nga kaya ang ‘oo’ ni Maymay sa Japan?


Loading...

Photo from: Edward Barber Instagram

Ang galing ng MayWard (Maymay Entrata at Edward Barbers) kahapon, dahil magkakasunod na Top 3 sa Twitter ang nakuha nila.

Loading...

Una na ang #MayWard, pangalawa ang #MaymayEntrata, at pangatlo ang #EdwardBarber.

Bakit nga kaya? Ano bang meron? Ano ang okasyon?

Well, pare-pareho lang naman halos ang tweet na mga fan, tungkol nga ‘yon sa pagbabakasyon nila sa Japan, kaugnay sa birthday celebration ni Maymay.

Photo from: Edward Barber Instagram
Ang galing ni Maymay, at nakasama talaga niya ang pamilya niya sa Japan. At sinamahan pa rin pala talaga siya ni Edward.

Sabi nga ni Edward, mami-miss niya ang Japan, at maganda nga raw kasi ang '‘memories’' na meron sila doon.

Pero, doon na kaya siya sinagot ni Maymay sa Japan? Makikita kasi sa mga photo nila na naglabasan kung gaano kalambing si Maymay sa kanya.

Pero sa bawat photo nilang dalawa ay makikitang nakahilig sa dibdib niya, nakayakap si Maymay kay Edward. Ano pa ba ang ibig sabihin noon?

Photo from: Edward Barber Instagram

Loading...

Comments