Derrick Mo­nasterio tinalbugan ang mga Kapamilya stars sa Santacruzan

Loading...

  • Kapuso actor na si Derrick mainit ang pagtanggap sa Santacruzan
  • Maspinansin kasi siya ng mga taga roon kaysa sa Kapamilya stars
  • Malayo-layo rin ang kanilang binagtas sa Santacruzan

Noong May 1 ay dumalo si Derrick Monasterio sa Santacruzan ng Barangay Sto. Rosario, Macabebe, Pampanga at ayon sa aming source sobrang init daw ng pagtanggap nila sa Kapuso hunk actor. Siya ay isa sa mga naging konsorte ng annual Santacruzan na sponsored by the Musni Family.

Derrick Monasterio IG
Dahil may nando'n nga ang aktor ay expected din na may iba pa siyang kasamang mga artista at ang nakasama niya ay ilang mga Kapamilya stars na sina ç at Gab Lagman ng ABS-CBN. Ayon sa aming source ay iba raw ang pagtanggap ng mga tao kay Derrick, mas mainit ang response ng mga taga-Macabebe kay Derrick na wala namang sawa sa pakikisalamuha sa mga tao at pinagbibigyan lahat ang mga gustong magpa-picture sa kanya.

Gab Lagman IG


Loading...
Dahil summer nga ngayon at maraming tao sa lugar na 'yon ay hindi ito naging hadlang sa mga artista na dumalo sa Santacruzan. Medyo malayo-layo rin kasi ang binagtas ng mga lumahok sa Santacruzan pero tiniis nila ang init ng panahon nu’ng gabing ‘yun, mapagbigyan lang ang lahat.

Derrick Monasterio IG



Loading...

Comments