Boobsie, lumuhod habang nag-mamakaawa kay Willie Revillame na ibalik siya sa Wowowin

Photod from: Wowowin Youtube
Kahapon lang ng ipinost sa Youtube channel mismo ng Wowowin ang scene na 'to na kung saan makikitang nakikiusap si Boobsie na ibalik na siya sa show.

Photo from: Wowowin Youtube
Makikita rin sa show na kasama ni Boobsie si Lovely na kung saan nagpapasalamat daw sila kay Willie Revillame dahil kapag sila raw ay napupunta sa ibang bansa, sila raw ay nakikila ng ating mga kababayan doon dahil sila raw ay galing kay Willie.

Para naman sa kaalaman ng iba, si Lovely ay isa na ring tauhan ni Willie Revillame noong siya ay na sa ABS CBN pa lamang at ang kanyang show pa niya noon ay "WOWOWEE".

Photo from: Wowowin Youtube
Sobra ang saya ang naidulot nilang dalawa sa show noong sila ay naimbitahan muli sa Wowowin dahil talaga nga namang the best si Boobsie sa pag-papatawa.

Kuwento pa ni Lovely, wala raw siyang hiniling kay Willie na hindi nito binigay, kaya naman sobra raw ang pag-papasalamat niya kay Willie.

Photo from: Wowowin Youtube
Kaya naman hiling ng netizens na kunin na ulit si Boobsie at gawing regular sa show na Wowowin upang mas dumoble raw ang saya ng show ni Willie.

Ilang Kumento ng netizens!

"Ibalik mo na ung dalawa kuya Wil. Boring minsan ung iba mong Host.."

"Tanggapin nyo na po kuya will Kung kasama PO si boobsie mas marami pa po kayong mapapasaya hahahaha"

"Sana diyan nalang sila ilagay sa wowowin ,nakakatawa sila dalawa 😂"

"Deserve ni Lovely lahat ng fame niya ngayon, more power sakanya. WE LOVE YOU, LOVELY!"

"Galing mag crack joke ni Boobsie Wonderland..Cheer up everyone! cheesy."

Comments