Babaeng mataray noong eleksyon, nanampal ng staff sa harap pa mismo ng magulang nito


Loading...
Kahapon lang ng maganap ang eleksyon, ngunit hindi matanggap ng isang dalaga ang pananakit sa kanya ng isang mataray na botante sa harap pa mismo ng kanyang mga magulang.

Photo from: Kristin Baconawa
Kung kaya naman sa pamamagitan ng social media niya idinaan ang pagka-dismaya sa babae na nanakit sa kanya.

Umani naman ng pangbabatikos ang babaeng nanakit dito mula sa mga netizens dahil sa ka-malditahan daw na taglay ng babae.

Photo from: Kristin Baconawa
Puro pambabatikos ang nakamit ng babaeng nanakit sa isang staff, dahil 'di na raw nahiya dahil sa harap pa mismo ng magulang niya sinaktan.

Bagamat natarayan man siya, hinayaan na lamang daw niya ang pangyayari.

Ngunit nang umupo ito sa mga upuan na nakalaan para sa mga botanteng nakapila pa sa kabilang kwarto ay muli raw niya itong nilapitan.

Laking gulat niya nang magalit ito sa kanya at kung anu-anong masasakit na salita pa ang sinabi sa kanya.

Loading...


Photo from: Kristin Baconawa
Dahil nakakaabala na, isang board member ang tumawag na ng tulong para mapaalis ang babae.

Ngunit tumawag pa raw ito sa tiyuhin nito na isa umanong kapitan ng barangay at kinuhanan pa raw siya nito ng larawan.

Ngunit hindi pa natapos doon ang insidente dahil nagtagpo pa sila sa principal's office. Nang ipapaliwanag na umano ng dalaga ang pangyayari ay bigla na lamang daw siya nitong sinampal gamit ang kanang kamay nito.

Ang masakit pa ay sa harap ng kanyang mga magulang na naroon rin dahil ang mismong principal ay ang nanay ng dalaga.

Photo from: Kristin Baconawa
Agad naman umanong umawat ang mga ito ngunit nagkasundong huwag nang magreklamo laban sa mataray na babae. Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi ang umiyak na lamang habang ang babae naman ay panay ang hingi ng tawad sa kanyang mga magulang.

Kung anu-ano pang magagandang salita umano ang sinabi nito sa kanyang mga magulang na sa tingin raw niya ang drama lamang nito.

Ang masakit pa, bagamat humingi naman ng tawad ang babae sa pananakit nito sa kanya ay hindi naman nito inamin ang kasalanan sa kanya at maging ang masasakit na salitang sinabi nito.

Loading...

Comments