Aso na nangangalabit upang manghingi umani ng papuri sa netizens

Photos from: Iya Sarmiento
Kamakailan lang ng i-post sa social media ang isang video na kung saan makikita na may isang bata na kumakain ng barbeque.

Meron ding makikitang aso sa kanyang harapan, ngunit natuwa ang netizens ng mapanood ito dahil sa talino na taglay ng aso.

Photo from: Iya Sarmiento
Habang kumakain kasi ang bata, ang aso ay tila huminto sa harapan ng bata, hindi upang agawin ang kinakain ng bata.

Kundi kalabitin ang bata para manghingi, kaya naman agad itong nag-viral sa Facebook, dahil sa taglay niyang karunungan.

Photo from: Iya Sarmiento
Makikita rin sa video na tila inuutusan ng nagvi-video ang bata upang wag muna pansinin para mangalabit ng mangalabit ang aso.

Dahil talaga namang sobrang cute nito, umani ito ng papuri sa netizens ng mapanood ang video na ito na kuha ni Iya Sarmiento.

Narito naman ang iilan sa kumento ng netizens!

"Sana kapag may ganyan na aso nanghihingi pakainin nman po... may buhay din sila at nagugutom.😥"

"Buti pa aso marunong manghingi.. pero yung mga pulitiko natin, walang sabi sabi kukunin pera ng bayan."

"Kinabahan yung aso noong alam nya kakaunti na natira sa BBQ dina tinanggal yung paa nakapatong nalang hehe ang cute"

"Nice dog buti pa sya pinagbibigyan pag nangalabit ako tatalikuran na sabihan ako siguraduhin mo lng matatapos ha"

"Naalala ko yung aso ko. His so cute at mahal na mahal nya ako...di yun kumakain pag hindi ako ang nagbibigay ng food..😍"

Comments