Angelica Panganiban ayaw nang bumalik ng Pilipinas


Loading...

Kung hawak lang daw ni Angelica Panganiban at kung may choice lang daw ito ay masgusto raw na lang niyang manirahan sa ibang bansa at 'wag na muna umuwi na Pinas.

Base kasi sa mga sunud-sunod niyang mga tweet augnay sa naka-schedule na niyang flight, mukhang may mabigat sa damdamin itong si Angelica kaya ayaw niyang umuwi ng bansa.

“Alam mo now, nililito mo ang feelings ko kung mag-i-extend ako o finally, sasakay na ko ng eroplano. Ang ganda-ganda ng cindycat ko!” tweet niya.

“Paano ko aalis…paaanoo..naiiyak ako. Waahh. Gusto ko na naman mag-walling paak-yat,” kasunod na tweet pa niya.

Ito na kase ang pinakamahaba na niyang bakasyon after matapos ang teleserye nila ni Zanjoe Marudo

Mula sa Japan, dumiretso ang aktres sa New York, at pumasyal din sa Los Angeles. Kung may nakilala sana si Angelica na nagpatibok ng puso niya sa Amerika, malamang nag-extend ito at posibleng maging babaeng John Lloyd Cruz siya na iwanan ang showbiz.

Mapahanggang ngayon naman kase ay wala pang natutunog ang kanyang mga followers kung may manliligaw siya base sa mga tweet at post niya sa IG. Mukhang bigo pa rin ang aktres na makita ang kanyang true love.

Sharon Cuneta IG
Loading...


Angelica Panganiban IG

Angelica Panganiban IG


Loading...

Comments