Ang prank na tiyak iiyak kayo dahil sa sobrang pagmamahal ng isang ina sa anak


Loading...


May mga prank na nakaka-inis, scripted o di kaya'y over na na nakakapinsala na sa iba, ngunit ang prank na ito na tinatawag na "I lost my memory prank" na ginawa ng isang vlogger na si CL o "it's CL" sa kanyang Youtube channel ay talagang hindi mo akalaing mapapa-iyak ka dahil sobrang nakaka-touch ang reaction ng mama ni CL na kanyang pinrank.

it's CL YT channel
Ang setup ni CL ay kunwari sumasakit ang ulo niya dahil sa iniinum niyang gamot, ang gamot na ito ay para sa kanyang pimples kaya naman perfect ang drama ng ating vlogger, at nasabi na rin niya minsan sa mama niya na nagiging makalimutin daw siya at madalas sumasakit ang ulo dahil nga raw ay side effects ng kanyang iniinom na gamot.

Loading...


it's CL YT channel
Unang ginawa ni CL ay tinawag niya ang kanyang ina, at sinabing sumasakit ang kanyang ulo at agad naman itong hinilot ng kanyang mama na sobrang nag-aalala, at noong nasa kalagitnaan na siya ng acting ay sinabing ano o sino raw iyong nasa damit niya (damit na kung saan si Lloyd Cadena naka-print) kaya naman itong ating mapagmahal na ina ay nagsisimula nang mag-alala.

Mukhang kalmado pa ang mama ni CL dahil mukhang ayaw niyang ipadama na nag-aalala ba siya para siguro hindi rin mag-panic si CL sa kadahilanang mukhang totoo nga yung prank. At nang dumating na sa climax si CL ay sinabing hindi niya kilala ang kanyang inay at sinabing 'wag daw itong hawakan dahil payo ng kanyang mama ay wag daw sumama sa strangers. Nang hindi na makatiis si CL dahil sa nararamdaman na niyang nag-aalala na ang kanyang mama ng sobra ay inamin na niya na prank na ito. At panoorin ang sobrang nakakaiyak na part sa huli.

Loading...

Comments