Anak dinaan sa kanta ang pasasalamat sa magulang netizens naiyak


Loading...

Isang bidyo ang viral ngayon dahil sa isang anak na ginulat ang ganyang mga magulang at katabi nito nang bigla na lang itong kumanta sa harapan nila. Hindi biro ang maging magulang na karamihan gagawin ang lahat para lang makapagtapos ang anak at magkaroon ng magandang future dahil bilang magulang ay responsibility mo ang alagaan, pangaralan, ituwid, itama ang mga pagkakamali at higit sa lahat mahalin ang kanilang mga anak.

Carl Roldan hugs his father: Bianca Charina Rolda Facebook

Loading...

Sa araw ng pagtatapos ng binang nagngangalang Carl Roldan ay hindi inaasahan ng kanyang mga magulang ang inihanda nito bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo nila para lamang makapagtapos ang binata, makikitang sobrang na-touch ang mga magulang nito dahil ramdam nila ang sincerity ng pasasalamat ng kanilang anak at hindi rin nila maiwasang mapaluha sa labis na tuwa at ganun din ang binata na napaiyak din habang kinakantahan ang kanyang mga magulang.

Ang viral na bidyo ay kuha ng kapatid ng binata na si Bianca Charina Rolda, sa huling bahagi naman ng bidyo ay hindi nakayanan at natiis ng kanyang ama ang labis na galak at kanya itong niyakap sa maraming tao. Kitang-kita na proud na proud ang kanyang ama at kanyang ina.

Loading...

Comments