Ai-Ai delas Alas ni-real talk ang babaeng nagte-text sa kanyang asawa sa tuwing hating gabi

Loading...

  • Ni-reveal ni Ai-Ai delas Alas kung gaano siya nag-selos bago sila ikasal ni Gerald Sibayan
  • Ibinahagi rin ni Ai-Ai kung papaano niya na-handle ang sitwasyon
  • Ang kanyang rebelasyon ay umani ng reaksyon sa netizens 

Naalala ng Kapuso aktres na si Ai-Ai delas Alas na bago pala sila ikasal ng kanyang asawa na si Geral Sibayan ay nagkaroon pala si Ai-Ai ng pagseselos sa isang babae. Naikuwento ni Ai-Ai ang karanasan during her press conference for the movie “Sons of Nanay Sabel.”

Loading...



Since hindi pa sila kasal that time ay may nagte-text kay Gerald na babae; “Ngayon hindi na… Nung kinasal na kami. Dati, oo. May mag-good evening lang dun lagot na sakin.” Sabi ni Ai-Ai.

At naikuwento rin ni Ai-Ai kung paano niya hinandle ang sitwasyon. Ayon sa GMA si Ai-Ai umano ang nag-confront at nag-text back sa babae; "Bakit ka nag-gugood evening sa asawa ko?” Text ni Ai-Ai.

Nag-reply naman si ate girl na wala raw siyang masamang intention kay Gerald; "Wala naman po akong intensyon nag-gugood evening lang.” Reply ng babaeng nag-text.

Dahil dito ni-real talk na ng Kapuso aktres ang babae at sinabing: “Gabing-gabi na, 11PM, nag-gugood evening ka tapos wala kang intensyon na manglandi?”

"Siyempre matapang ako talaga," she added.

Despite the incident, sinabi ni Ai-Ai na both she and Gerald have already put it in the past, “Wala na, tapos na, siyempre natakot na yun,” she jokingly said.

Dahil sa kanyang mga rebelasyon ay hindi maiwasang umani ito ng mga reaksyon sa netiznes.


“Ay tubuan ka tlga ng selos. matanda ka na xa bata pa at di maitatago na gwapo asawa mo. may susulot nyan.” 

“Kahit bata o matanda basta Asawa mo na May ka text na iba mag seselos ka talaga...” 

“Makalait oh? Kala mo di sila tatanda, uy? Kala mo perpekto sila pero yung iba dyan broken family naman feeling complete family lang .Tsk!” 
Loading...

Comments