Jessy Mendiola nagtatalak dahil sinisisi sa mahinang kita ng pelikula nila nila Arjo



Agad na binura ni Jessy Mendiola ang kanyang pagtatalak sa IG bilang sagot niya sa mga bashers. Siya raw kasi ang sinisisi ng mga bashers sa mahinang kita ng bago nilang pelikula ni Arjo Atayde na   "Stranded".

Stranded: Regal Entertainment Inc. 


Lumabas ang write up sa isang kilala at sikat na entertainment site, pero nabasa naman namin ang buradong katwiran niya na hindi lang naman siya ang bumubuo ng pelikula at bakit siya lang sinisisi.

Jessy Mediola IG


Masnapansin naman ng netizens ang pangyayari dahil agad na nabura ang IG story ng aktres na kung saan masama ang loob niya sa entertainment site na gumawa ng writeup about sa mahinang kita ng pelikula at ang nakalagay na lang sa IG niya ay ang online business niya.

Jessy Mediola IG


Maganda pa naman ang feedbacks sa pelikula nila ni Arjo na idinirek ni Ice Idanan. Pati nga ang acting ni Jessy sa movie ay napuri ng mga nakapanood na ng “Stranded”.

Kung iisipin mo ginagawa lang ng aktres ang trabaho  niya bilang isang leading lady sa pelikula pero madalas sa kanya talaga sinisisi ng mga netizens at bashers ang mga mababang kita ng pelikula na kasali siya. Kaya 'wag natin isisi kay Jessy ang lahat dahil as an artist ginagawa lang niya ang part niya at hindi siya ang bumubuo ng pelikula.


Comments